Saturday, February 12, 2011

Librong pangkabutihan o Librong pang kaadikan?

          
 
Isang araw sa paaralan nang Dizon high ay may isang batang nagngangalang paul rey matalino sya,pala aral at palasagot sa klase.isang simpleng mag aaral si paul rey na walang tanging hinangad kung hindi ang matuto sa pagpasok at makatapos ng pag aaral.Ngunit nagbago ang lahat nang isang araw ay makita niya ang librong tungkol sa mga online game.
                      Simula nang kwento:Nagbabasa si paul rey sa library nang may nakatawag sa kanyang pansin,isang libro na may pamagat na Kaadikan.Nagtaka siya at parang na nahumaling siyang basahin ito.
                      Sa simula ay ayaw pa nya itong basahin sa pagkat maabala siya sa pagbabasa tungkol sa chemistry.Psssssst!!!!!isang makabasag katahimikang tunog.Hinanap ito nang binata.Nagtaka siya at wala namang tao sa paligid,patuloy niya itong hinanap.Nabigla siya nang magsalita ang libro,psssssst:wika nang libro,nagulat ang binata at napasigaw.
                      Hoy binata basahin mo ako at siguradong di ka magsisisi.wika nang libro!
       Hindi maari marami akong ginagawa:ang wika nang binata.
                     mabilis na sumagot ang libro wag mo na yang pagaksayahan nang oras mabobobo ka lang dyan sa binabasa mo.
                      Paano naman ito makasasama sa akin?tanong nang binata.
 Mababagot ka lang sa kababasa dyan:wika nang libro.
                     Naniwala naman ang binata at binasa niya ito.Lumipas ang mga linggo at ito ay patuloy niyang binasa,nakalimutan na niyang mag aral.
                   Isang araw eksam na ni paul,wala siyang maisagot dahil ang tanging nasa utak niya ay ang mga laro na nabasa niya sa libro.dahil dito ay bumagsak siya sa kanilang eksam.
                  Malungkot na umuwi ang binata na nangangambang mapagalitan nang kanyang mga magulang,Dumating na siya sa bahay nila.
                  Ma! Pa! andito na po ako,sigaw nang binata.
 HOyyyyyyy!!!!bata ka ano tong nababalitaan ko sa mga kaklase mo na bumagsak ka daw sa exam nyo,galit na galit na sigaw nang nanay.
                  Ma sorry na po di ko na po uulitin,wika nang binata.
Anung sorry sorry,pumasok ka sa taas at mapapalo kita di ka pedeng mag cellphone at manuod nang TV.
                  Aw!!!!!ang bulong nang binata,anu ba namang buhay ito diyosko!!!!!napilitang umakyat ang binata.
                   Nasa kwarto ang binata at nag aaral habang may tunog na naman siyang nakinig.
Psssssssst!!!!ang imik nang ikalawang libro na dati dati ay binabasa niya sa pag aaral.
                  Anu ba naman yan nagaaral ang tao oh.Ahhhhhhhhhhhhhh,sigaw nang binata.
Pati ba naman ikaw nagsasalita rin.
                  Ay hindi baka ikaw!!!!ang pabirong sagot nang libro,oo nga ako nga,bat ba kasi di ka nag aaral simula nang dumating yang lintik na librong yan di mo na ko pinansin.Aba nagbago ka na,dapat bumalik ka na sa pag aaral.Wika nang ikalawang libro.
               Wag kang makinig dyan sa abno na librong iyan,mababagot ka lang sa kanya.Wika nang unang libro.Ako ang piliin mo mag eenjoy ka pa.
                Sinungaling ako dapat ang piliin mo dahil matututo ka sakin at babalik ang dating ikaw paul wag na wag kang makikinig sa librong iyan tanging kasamaan lang ang dulot nyan sayo.
                 Naguluhan ang binata at di maintindihan kung sino ang pipiliin.Ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang ang mabuting libro na dati ay kasakasama niya sa kanyang pangarap at pag aaral ang piliin. 
               Nagalit ang masamang libro,pero wala siyang nagawa kung hindi ang umalis dahil sa sobrang kahihiyan.
               At doon ay nagsimulang manumbalik ang pagmamahal ni paul sa pagaaral at pagpapahalaga dito at  di narin sya bumabagsak sa mga exam pati ang pagmamahal nang kanyang magulang  ay nanumbalik.The end^^
                   

No comments:

Post a Comment